Paano madadala ang pamilya sa mabuti? Ano ang paraan upang maakay ng isang tao ang kaniyang pamilya?
Ang pinakamagandang paraan, ayon kay Bro. Eli Soriano, ay ipakita nating tayo mismo bilang mga magulang ay nagbago na. Ipakita natin sa ating mga anak ang ating pagbabago. Kapag wala na ang mga dati nating masasamang gawain, iyon ang pinakamaganda.
Ating basahin ang Filipos 2:15-16.
Mga Taga Filipos 2:15-16 (Ang Dating Biblia 1905)
Upang kayo’y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila’y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
“Nagpapahayag ng salita ng kabuhayan.”
Wika ni Bro. Eli, “Alam mo, maraming nasama sa amin hindi dahil nakapakinig eh.”
Kaniyang ipinaliwanag na maraming naging miyembro sa Members Church of God International (MCGI) dahil nakita ang pagbabago sa mga nagiging miyembro ng samahang ito.
Nasagot ba ang iyong katanungan patungkol sa paano madadala ang pamilya sa kabutihan? May mga nais ka pa bang malaman tungkol sa mga aral ng Dios? Nais mo bang makinig at magtanong ng LIVE kay Bro. Eli Soriano sa susunod na Ang Dating Daan Worldwide Bible Exposition? Contact us for more information.
Mag follow at mag subscribe sa aming mga social media handles para iba pang mga aral ng kasulatan at upang iyong malaman kung kailan gaganapin ang mga susunod na events kung saan maaari kang mapakagtanong ng LIVE.
Facebook (follow for regular LIVESTREAM): https://www.facebook.com/AngDatingDaanTV/
Twitter: https://twitter.com/AngDatingDaanTV
Instagram: https://www.instagram.com/AngDatingDaanTV/
Youtube (subscribe for regular LIVESTREAM): https://www.youtube.com/user/angdatingdaan
© 2014-2020 Produced through the help of ALMIGHTY GOD by the Members Church of God International ® | Our Privacy Policy | Contact us