“Pagsasama ng hindi kasal, masama ba ayon sa Biblia? Hindi yung dokumento o akto ng pagkakasal ang mahalaga kundi ‘yung sincerity ng bawat isa in living together as husband and wife.”
Galatians 3:15 (Ang Dating Biblia 1905)
Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama’t ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma’y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.
“Bagaman ang tipan, tao lang ang gumawa, pagka pinagtibay o ratified, ibig sabihin ay pinagkasunduan at nagkaroon kayo ng mutual understanding na magsasama kayo bilang mag-asawa, kinikilala na ng Dios ‘yun eh. Bakit? Eh si Maria at Jose, wala namang kasal eh. Kinasal ba si Maria at si Jose? Wala kang mababasa sa Biblia na kinasal sila. Pakinggan mo sa Mateo 1:18-20.”
Mateo 1:18-20 (Ang Dating Biblia 1905)
Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa’y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
Panoorin ang buong video.
May ibang mga katanungan ka bang nais mong masagot ni Bro. Eli Soriano? Mag inquire kung kailan ang susunod na Bible Exposition at magtanong ng LIVE. Contact us for more information!
© 2014-2020 Produced through the help of ALMIGHTY GOD by the Members Church of God International ® | Our Privacy Policy | Contact us