Bro Daniel Razon

Si Bro. Daniel S. Razon, na kilala rin bilang “Kuya Daniel” at “Mr. Public Service,” ang ikalawang Lingkod Pangkalahatan ng Members Church of God International o MCGI at isa sa mga host ng programang Ang Dating Daan.

Bago pa man maging isang tanyag na DJ, radio announcer, TV host at broadcast-journalist, kasa-kasama na si Bro. Daniel ni Bro. Eli Soriano at ni Sis. Luz Cruz sa pagbo-brodkast ng Ang Dating Daan sa telebisyon noong 1983. Sa kaniyang murang edad, siya ang tumayong unang direktor, videographer, at video editor ng programa. Samantala, si Sis. Luz naman ang make-up artist at researcher at si Bro. Eli naman ang host ng programa.

Mula noon, sa awa’t tulong ng Dios, nakapagtapos ng kursong Mass Communications si Bro. Daniel upang lalong makatulong sa gawaing pagpapalaganap ng salita ng Dios sa pamamagitan ng mass media. Paglipas ng mga taon at sa patuloy na pagiging tanyag ng Ang Dating Daan, nakapagturo si Bro. Daniel sa mga kapatid na nagnanais na makatulong sa pagtataguyod ng produksyon ng programa.

Si Bro. Daniel, sa kaniyang pagiging likas na malikhain, ay nakapag-sulong ng iba’t ibang mga gawain na ukol sa pagpapalaganap ng salita ng Dios. Isa dito ay ang Worldwide Bible Exposition, kung saan maaaring magtanong ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo ng kanilang katanungang pang-kaluluwa’t espirituwal.

Si Bro. Daniel din ang nagpasimula ng pagtataguyod ng mga ministeryo sa loob ng Iglesia tulad ng Music Ministry, Teatro Kristiano, Bible Readers (BRead) Society International, Guest Coordinators o GCOS, at Kapisanan ng mga Kabataan Tungo sa Kasakdalan o KKTK.

Kaagapay si Bro. Eli Soriano, isinulong din ni Bro. Daniel ang mga gawain ukol sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga kapatid sa MCGI, katulad ng International Youth Convention, Couples’ Conventions, Music Ministry and Theatre Summits, at ang A Song Of Praise (ASOP) Music Festival.

Bukod sa mga kasalukuyang brodkast ng Ang Dating Daan, regular ring masusubaybayan si Bro. Daniel na isang beteranong brodkaster sa iba pang mga programang ukol sa serbisyo publiko at sa current affairs show niyang “Get It Straight With Daniel Razon,” kung saan nagsasagawa siya ng mga panayam patungkol sa mga mahahalagang usapin sa bansa.

Sa awa’t tulong ng Dios, patuloy na ipinaglilingkod ni Bro. Daniel ang kaniyang lakas, kakayahan, at talento sa paglingap sa mga kapatid sa MCGI at sa pagpapalaganap ng tunay na aral ng Dios.

Mga Karangalan at Pagkilala

  • Gawad Marcelo H. Del Pilar
    National Press Club of the Philippines, November 2017
    Pagkilala sa mga naibahagi niya sa National Press Club at sa larangan ng pamamahayag sa Pilipinas
  • Most Outstanding Global Newscaster
    Gawad Amerika Awards, November 2017
    Pagkilala sa kaniyang mga natatanging programa at inobasyon sa larangan ng pamamahayag at serbisyo publiko
  • World Class Filipino Award
    World Class Philippines Awards (WCPA) Council, May 2017
    Pagkilala sa kaniyang mga achievement sa larangan ng pamamahag sa radyo at telebisyon at public service
  • Lifetime Achievement Award
    25th Golden Dove Awards, May 2017
    Si Bro. Daniel Razon ang pinakabatang nabigyan ng pinakamataas na parangal na ito mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) dahil sa kaniyang pagiging isang huwarang brodkaster at sa maraming inobasyong pinasimulan niya sa larangan ng pagbo-broadcast at serbisyo publiko
  • UmalohokJuan Awards Special Citation
    Lyceum of the Philippines – Manila, March 2016 Espesyal na pagkilala sa pamumuno niya sa UNTV Channel at sa pangunguna sa paglunsad ng mga programa sa radyo at telebisyon na tumutugon sa mga taong nangangailangan
  • Outstanding Journalist and Public Servant
    33rd Dangal ng Bayan Awards, July 2013
    Pagkilala sa maraming programang pinasimulan niya na masasabing “groundbreaking firsts” sa larangan ng serbisyo publiko at pamamahayag sa Pilipinas
  • Doctorate Degree in Humanities, Honoris Causa
    Polytechnic University of the Philippines, May 2011
    Pagkilala sa kaniyang kagalingan sa broadcast journalism at pagkakawanggawa para sa mga Pilipino. Iginawad kay Bro. Daniel ang pinakamataas na academic award na ito ng PUP noong 2011 Commencement Exercises ng unibersidad kung saan naging guest speaker ang beteranong brodkaster.
  • Best TV Public Service Host
    Dangal ng Bayan People’s Choice Awards, December 2010
    Pagkilala sa kaniyang kahusayan bilang public service host sa telebisyon
  • Best Male Newscaster
    24th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television, November 13, 2010