Ang Dating Daan Bible Exposition para sa mga Taga-Nepal, India, at Sri Lanka Live, Regular Nang Napapanood Tuwing Linggo

December 5, 2020

Dahil sa dumadaming bilang ng mga nagsusuri tungkol sa Biblia mula sa Timog Asya, regular nang napapanood ang sabayang Bible Exposition ng Ang Dating Daan para sa mga taga-Nepal, India at Sri Lanka. Napapanood ang live broadcast ng programa tuwing Linggo, 9:30 ng gabi, oras sa Pilipinas, o alas 7 naman ng gabi, oras sa India.

Agosto 2, 2020 nang pinasimulan ni Bro. Eli Soriano ang sabayang Bible Exposition sa tatlong lugar. Bago ito, nagsasagawa na rin ng hiwalay na mga Bible Exposition si Bro. Eli sa bawat bansang nabanggit.

The Old Path, Ang Dating Daan Bible Exposition in India, Nepal and Sri Lanka

Hinduismo at Budismo ang mga pangunahing relihiyon sa India, Nepal, at Sri Lanka kaya naman karamihang tanong ng mga bisita ay tungkol sa reincarnation, mga maling relihiyon, paglalang, at marami pang iba.

Sa unang live broadcast noong Agosto, isang bisita mula sa Nepal ang nagtanong kung totoo ba ang popular na paniniwala ng mga Hindu at Budista na reincarnation o muling pagkabuhay sa ibang katawan. Pinabulaanan ito ni Bro. Eli at binasa ang Hebreo 9:27 bilang sagot. Ipinaliwanag na ang tao ay minsan lang mabubuhay at minsan lang rin mamamatay.

Sa isang live Bible Exposition din nitong Oktubre 25 nasagot ang matagal nang palaisipan kay Bro. Mohan, isang Nepali na ngayo’y nakatira sa Mumbai, India, kung saan tinanong niya ang pagkakaiba ng liwanag o tanglaw sa Genesis 1:4 at 1:16. Lubos na nasiyahan ang Nepali sa narinig na sagot mula kay Bro. Eli:

“Thank you brother for making me understand better. I was really shaking because, after a long time that I was looking for answer, I am now able to understand the differences between Genesis 1:4 and 1:16. Thank you so much and may God bless you and your ministry.” (Maraming salamat kapatid sa lalong pagpapaunawa sa akin. Talagang nanginginig ako dahil pagkatapos ng mahabang panahon na naghahanap ako ng kasagutan, naiintindihan ko na ngayon ang pagkakaiba ng Genesis 1:4 at 1:16. Maraming salamat at pagpalain ka nawa ng Dios at ang iyong ministeryo.”

Live na nakakapagtanong kay Bro. Eli ang mga nagsusuri tungkol sa kanilang paniniwala at mga bagay espirituwal, at karaniwang maririnig ito sa wikang Ingles. Mayroon namang tagasalin kung ang nagtatanong ay hirap sa pagsasalita ng Ingles.

Bukod sa Bible Exposition, nauna nang nakapaglunsad ng mga brodkast sa telebisyon bilang The Old Path ang Ang Dating Daan sa Nepal, India, at Sri Lanka.

“Kailangan ka ng India”

Nabuksan ang pangangaral sa India dahil sa isa sa mga sulat na ipinadala kay Bro. Eli na naglalaman ng “India needs you.” (Kailangan ka ng India.) Ikalawang semestre ng taong 2010 nang simulan ang brodcast ng The Old Path sa bansa na nagbunga ng mga Indianong naging kaanib sa Members Church of God International o MCGI.

Mayo 2019 naman nang sumahimpapawid ang programa sa Nepal sa pamamagitan ng Prime Times Channel. Ang Nepal ang may pinakamalaking populasyon ng mga Hindu sa buong mundo ayon sa percentage of the population. Nagpapatuloy ang pangangaral ni Bro. Eli sa bansa sa pamamagitan ng social media.

Sa Sri Lanka naman, naging daan ang pag-uusap ni Bro. Eli at ng isang Sri Lankan na si Esthepan Rode upang marating ng programa ang mga tao roon sa pamamagitan rin ng matagumpay na brodcast.

Patuloy ang pag-imbita ni Bro. Eli sa mga taga Timog Asya na makinig sa Bible Exposition ng Ang Dating Daan kung saan sinabi nitong kagalakan niyang sagutin ang bawat duda o alinlangan at mga tanong galing sa kanila.

Isinulat ni Hazel David

Mga Balita

Website ng Ang Dating Daan, Mas Pinaganda sa Bagong Disenyo

December 24, 2020

Tampok sa bagong Ang Dating Daan website ang mas pinadaling nabigasyon at modernong disenyo, mas komprehensibong impormasyon at mga balita tungkol sa programa at mga live events nito, mas organisadong Q&A videos, at mas pinadaling paraan ng pakikipag-ugnayan sa programa, at marami pang iba.

BUONG DETALYE
MGA IBA PANG ARTIKULO