Tanong:
Ano ang pakinabang ng paglilingkod sa Dios?
Bro. Eli Soriano:
Ang benefit na matatanggap ng isang naglilingkod sa Dios ay hindi na ku-quantify sa bagay na materyal. Hindi iyan nasusukat sa bagay na materyal. Basahin natin ang Lucas 12:15 –
Bro. Daniel Razon:
Lucas 12:15
“At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.”
Bro. Eli Soriano:
Kung ang tinatanong mo sa aking benefits ay mga bagay na materyal, ang sabi ni Cristo, “…mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.” Hindi dahil marami kang pera o marami kang tinatangkilik, pag-aari, kayamanan ay mabubuhay ka na. Ang katunayan, mayroong mayayaman ay gusto pang mabuhay, patay na. Ang ibig sabihin, tama ang sabi ni Cristo. Ang buhay ng tao ay hindi sa karamihan ng bagay na kaniyang tinatangkilik niya. Pero mayroong mahirap naman, walang pag-aari kahit ano, nakikikain-kain lang, buhay. Mayroon ngang mahirap, mahaba pa ang buhay kaysa sa mayaman. Ibig sabihin, ang batayan ng buhay ay hindi ang kayamanan o ang maraming pag-aari. Kaya ang paglilingkod sa Dios, hindi mo nasusukat ang benefits sa bagay na nakikita o tangible o mga bagay na materyal. Kasi ang sabi sa Biblia sa II Corinto 4:18 –
Bro. Daniel Razon:
II Corinto 4:18
“Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.”
Bro. Eli Soriano:
Mayroong mga bagay na nakikita, may katapusan lang iyan. Everything tangible and visible ay natatapos. Pero mayroong mga bagay na hindi nakikita na walang hanggan. Kaya ang benefit ng paglilingkod sa Dios hindi physical or yayaman ka raw or prosperity. Mali iyon, kapatid. Mali iyon. Hindi iyon ang sukatan ng benefit ng paglilingkod sa Dios.
At iyong tanong mo, hindi lang ngayon itinanong iyan. Hindi pa tayo ipinanganganak, tanong na iyan ng mga tao. Doon sa Malakias ganito ang ating mababasa doon. Sa Malakias 3:18 –
Bro. Daniel Razon:
Malakias 3:18
“Kung magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.”
Malakias 3:14
“Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo'y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo?”
Bro. Eli Soriano:
Mayroong nagsasabi, “…Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin,”? Mayroong mga ganoon. Nagtatanong, “Ano ba ang benefit kapag tayo ay maglilingkod sa Dios?” Ang kanilang hinahanap kasing benefit, ang material benefits. Pero ang Biblia, mayroong promises ang Dios. At iyon ang benefit ng paglilingkod sa Kaniya: ang promises Niya. Isa doon ang sinasabi sa Tito 1:2 –
Bro. Daniel Razon:
Tito 1:2
“Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;”
Bro. Eli Soriano:
Titus 1:2
“In hope of eternal life, which God, that cannot lie, promised before the world began;”
Isa sa benefit iyan. At iyan ang pinakamalaking benefit mo: to have eternal life. Buhay na walang hanggan. Marami kasing benefit, spiritual benefits pero it will sum up to eternal life. Iyan ang ating pinakamalaking makukuhang benefit, magka-buhay na walang hanggan. Iyan naman ang gusto ng mundo ngayon. Lahat ng doktor, lahat ng siyentipiko, nag-aaral kung paano ang lahat ng tao mabubuhay nang walang kamatayan. Pero hanggang ngayon, hindi nila matuklasan ang sikreto ng buhay na walang hanggan. Iyon ang magandang balita sa Biblia. Iyon ang pinakamalaking benefit ng paglilingkod sa Dios. Makakasalubong ka ng kung anu-anong mga persecutions, mga hardships, kapag maglilingkod ka sa Dios pero ultimately, that will be rewarded with eternal life. Basahin natin sa Marcos 10:28. Pakibasa, Kapatid na Daniel -
Bro. Daniel Razon:
Marcos 10:28-30
“Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo.
Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ka sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio,
Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay.”
Bro. Eli Soriano:
Mayroong walang hanggang buhay. Kahit na ikaw ay usigin pa, kapag magtitiis ka at susunod, tatanggap ka ng ganti na buhay na walang hanggan. May possibility rin na sa buhay na ito, makatanggap ka ng 100 ganti ng iniwan mo. Halimbawa, naiwan mo ang magulang mo, magkakaroon ka ng 100 ganting magulang. Kapatid mo, magkakaroon ka ng 100 ganti. Lupa mo, magkakaroon ka ng 100 ganti. Magkakaroon ka ng 100 ganti na bahay. Possible iyon. Pero hindi iyon ang batayan, ang material. Kasi mayroong mga taong Cristiano noong araw na nagtiis, pero wala namang kayamanan. Wala namang lupa. Wala namang bahay. Parang si Lazaro. Si Lazaro kasi namumulot lang ng mumo sa dulang ng mayaman. Mayroong mga kapatid sa Corinto, walang anoman. Kahit ano wala silang pag-aari. I Corinto 11:22 –
Bro. Daniel Razon:
I Corinto 11:22
“Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? …”
Bro. Eli Soriano:
Mayroong mga kapatid sa Iglesia, wala ng anoman. They have nothing in life. Naalala ko ang kanta,
♫ I, I who have nothing
I, I who have no one ♫
Mayroong ganoon. Sa Iglesia, mayroong “I have no one.” Parang ulila. Parang babaeng-bao. Ang sinasabi kay Timoteo na wala nang asawa, walang anak, tunay na babaeng-bao iyon. Ang ulila naman, walang ama, walang ina, “I have no one.” Tapos, mayroon naman, “I have nothing.’
♫ I, I who have nothing♫
Ibig sabihin, walang bahay, walang lupa, pero nabubuhay. Mayroong ganoong mga miyembro sa Iglesia noong una at sila ay naging dapat sa Dios. Sila ang sinabihan ni Cristo na,
Lucas 6:20
“... Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.”
Ang mga dukha na walang kahit anoman sa buhay. Pero hindi iyon ang pamantayan. Kasi ang pamantayan ang hinaharap kung saan pagkatapos ng mga pagtitiis, pag-uusig, ikaw ay nagpapatuloy ng paglilingkod sa Dios. Sabi ni Cristo, mayroon kang buhay na walang hanggan. Iyon ang benefit ng paglilingkod sa Dios.