Tanong:
Bakit hindi natatapos ang problema ng tao?
Bro. Eli Soriano:
Kung minsan hindi natin alam ang realidad, kaya kung minsan, namomroblema tayo, parang nabibigatan tayo, because we do not know and we do not even want to accept what is reality. Ang reality, isang bagay na hindi natin matatakasan. Ang isang reality ay nasa mundo tayo. Ang isang reality sa mundo, maraming masama. May masasamang tao, may masasamang espiritu, may masasamang anghel at may demonyo sa mundo na gumagala para gawin ang masama, pagawain ang tao ng masama laban sa Dios at laban sa kapuwa. Iyan ay reality. Hindi iyan kathang isip. Totoo iyan.
Ako naniniwala, ang isang matinong ama, mahal niya ang kaniyang anak, hindi niya re-rape-in ang anak niya. Kaya niya nire-rape ang anak niya, ang realidad, may masamang espiritung nandoon sa ama na iyon, nandoon ang espritu ng kalibugan na sinasabi sa Biblia. Sobrang sa laman, sobrang makalaman, na pati anak ay pinag-iinteresan. Hindi normal iyon sa isang ama. Hindi normal na interesin mo ang iyong anak, pero pagka iniinteres mo na iyong anak… Mayroon akong nabalitaan, anak niya, bading siya, nagkaanak siya dahil naglasing siya kaya niya nasipingan iyong babae. Aba’y ang anak niya nang nagbibinata na ay iniinteres ang binata dahil bading siya. Abnormal iyon. Masama iyon, abnormal iyon. Ang may dahilan noon, iyong espiritung masama, ang sumasakay sa tao na espiritung masama.
Reality iyan. Kaya dapat matanggap mo ang reality, sa buhay na ito, may mga problema talaga. May problema sa mag-asawa, may problema sa magmamagulang, may problema sa magkakapatid, may problema sa magkakaibigan. Bakit? Mayroong mga shortcomings, may mga lapses sa buhay. Mayroong hindi nakikita ang mata, mayroong hindi naririnig ang tainga, mayroong hindi naaabot ang isip. Doon nanggagaling ang problema. Hindi naabot ng isip ng kaibigan mo, nagkaproblema ka sa kaniya. Hindi naabot ng anak ang gusto ng magulang, nagkaproblema ang anak sa magulang. Napagkamalan niyang ang magulang niya ay hindi siya mahal. Hindi naabot ng magulang ang iniisip ng anak, naging malupit sa anak. Nagkaroon ng problema ang magulang sa anak at ang anak sa magulang. Iyan ay reality iyan. Hindi mawawala iyan.
Ngayon, hindi lahat ng problema, pagsubok. Hindi lahat ng problema ay dahil sinusubok ka ng Dios. May problema brought about by the environment, daladala ng iyong kapaligiran. Hindi gawa ng Dios iyon. Halimbawa ang kapitbahay mo ay salaula, itinapon ang hasang ng isda doon sa harap ng bahay mo, aamoy iyon pag nabulok. Iyon ba ay pagsubok ba iyon ng Dios? Hindi. Ang problema mo na iyon sa kapitbahay mo ay dahil walanghiya ang kapitbahay mo, hindi marunong ng magandang ugali, tinapunan ka ng basura. Hindi pagsubok ng Dios sa iyo iyon. Gawa ng tao iyon. Baka ang naiisip mo, lahat ng problemang dumadating sa iyo, pagsubok. Maling interpretasyon iyon, kapatid. Mali iyon.
Ngayon, ang sabi mo, pag lumalapit ka naman sa Panginoon ay pinapakinggan ka naman Niya hindi ka Niya binibigo. So, sapat na iyon. Ang dapat mo kasing maintindihan, kapatid, ay magkaroon ka ng peace sa Dios. Sa tao, hindi ka magkakaroon ng complete peace, sa Dios pupuwede. Ang Dios kasi hindi nagtatalo-sira, ang Dios ay hindi nagbabago, lagi Siyang matapat. Kailangan sa Kaniya ka mag-establish ng peace. May problema ka man sa kapuwa, kung mayroon ka namang peace o kapayapaan sa Dios ay mawawala ang problema mo. Basahin natin ang Roma 5:1--
Bro. Daniel Razon:
Roma 5:1
“Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;”
Bro. Eli Soriano:
Sa English, it says,
Bro. Daniel Razon:
The Romans 5:1
“Therefore being justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ:”
Bro. Eli Soriano:
“…we have peace with God…”;“…mayroon tayong kapayapaan sa Dios…” Kaya iyon ang pinakamahalaga sa lahat, ang kapayapaan sa Dios. Kahit galit sa iyo ang buong mundo, may kapayapaan ka sa Dios, okay na iyon, mayroong nakakaintindi sa iyo. You have someone to call, you have someone to lean on, you have someone to trust, and you have someone to always help you in times of need. Iyon ang pinakasapat sa mundong ito. In God, you will have peace. Peace of mind and peace of the heart. Pagka mayroon ka noon, magalit man sa iyo ang buong mundo, kagaya ni Cristo, kagaya ng mga apostol, magalit man ang buong mundo pati ang nanay mo at tatay mo, magalit sa iyo, mayroon ka namang peace sa Dios, okay lang.
Maiintindihan mo ang shortcomings ng kapuwa mo pagka mayroon kang kapayapaan sa Dios. Maiintindihan mo na ang kapuwa mo ay nagkakamali. Maiintindihan mo ang kapuwa mo ay nagkukulang dahil hindi naman siya perpekto, hindi naman siya Dios, hindi naman lahat ay nakikita niya, hindi naman lahat ay naiintindihan niya. So, mayroon kang consolation. Ang consolation na iyon na naunawaan mong tao ay maaaring magkamali, naunawaan mong ang tao ay maaring magkasala. Ang consolation mo ay ang mayroon kang Dios na kinikilala na Dios na laging hindi nagkakasala, laging nauunawaan ka. Hindi ka man naunawaan mismo ng tatay mo at nanay mo, o ng asawa mo, alam mong nauunawaan ka ng Dios. To have peace with God is to live in peace. Magkaroon ka ng kapayapaan sa Dios ay ang pagkabuhay na may kapayapaan dito sa lupa, bagaman magulo ang paligid. Huwag nating pansinin iyon, ang mga kasamaang dulot ng ating paligid, mismo kung minsan pati ng ating mga kasama sa buhay. Huwag nating iyon ang pahalagahan. Ang mahalaga, mayroon tayong kapayapaan sa Dios. Juan 14:27 –
Bro. Daniel Razon:
Juan 14:27
“Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.”
Bro. Eli Soriano:
Ang sabi ng Panginoong Jesus, "...ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.”
So, maraming katakutan sa harap, sa paligid, pero kung mayroon kang kapayapaan kay Cristo, may kapayapaan ka sa Ama, mao-overcome ng peace na iyon ang gulo na naidudulot ng paligid mo. Hindi manghihina ang loob mo. To have peace with God is to have peace forever, habang buhay ka at maging sa kabilang buhay pa.