Dapat bang ipagdiwang ang Pasko, All Soul’s Day at birthday?

Tanong:

Dapat bang ipagdiwang ang Pasko, All Souls’ Day at saka birthday?

Bro. Eli Soriano:

Ang kaarawan mo, hindi ba ipinagdiriwang mo? Ngayon, bakit ka magdiriwang ng All Souls’ Day, kasama ka na ba roon? Ang sabi mo, ipinagdiriwang mo ang kaarawan mo. Pagka All Souls’ Day, hindi ka pa naman kasama roon, bakit ka magdiriwang? At saka halimbawa, ang pagdiriwang ng Pasko, mali rin iyon, kasi mali namang araw iyon. Hindi naman totoo na si Cristo ay ipinanganak ng December 25. Hindi ipinanganak si Cristo ng December 25. Mabuti, pakibasa mo, Sis. Luz. 

Sis. Luz Cruz:

Opo. Ito po ang nakalagay sa Catholic Encyclopedia, sa Volume 2, sa page 607

CHRISTMAS 

The feast of the Savior’s birth is called Christmas the Mass of Christ. It is celebrated on December 25 and is one of the main feasts of the liturgical year. 

The actual date of the Lord’s birth is unknown, and its commemoration was generally included in the Feast of the Manifestations (Epiphany, January 6) during the first three centuries of the Christian era. 

History. In about the year 330, however, the Church in Rome definitely assigned December 25 for the celebration, in order to honor Christ, the Light of the World and the true Sun of Justice. This was the day which had been dedicated in pagan Rome to the feast of the sun god and had been called Birthday of the Unconquered Sun. By the end of the fourth century this Roman date of the Nativity celebration was universally accepted by all churches, both in the East and West.

Bro. Eli Soriano:

Nakita mo, kapatid? Hindi naman talaga December 25 ang Pasko o ang kapanganakan ni Cristo. Isinabay doon sa piyestang pagano sa Roma, na ipinagdiriwang naman ang birthday ng kanilang diosdiosan na araw. Mayroong diosdiosan, di tunay na dios ang mga paganong Romano, na kung tawagin nila ay araw ng Saturnalia. Itinaon doon sa kapanganakan ng diosdiosang Romano. Parang iniinsulto pa si Cristo, dahil hindi naman tunay na dios ang dios ng mga Romano noong araw, doon nila itinapat ang Pasko na pagdiriwang naman diumano ng birthday ni Cristo. Iyan ay maling aral. Kaya kami, hindi kami nagdiriwang niyan dahil mali iyan, hindi iyan ang talagang kapanganakan ng Panginoong Hesus.

Ngayon, tungkol doon sa kaarawan mo, okay lang naman iyon na alalahanin mo ang iyong kaarawan. Pero kami sa Iglesia ng Dios, mayroong mas mahalaga sa amin na kaarawan.  Iyon ang kaarawan ng pagkatanggap namin kay Kristo, sa ating Panginoong Hesus, doon sa araw ng aming bautismo. Iyon ang aming inaalaala at ipinagdiriwang. Kasi ang araw ng kaarawan natin sa laman… ayon sa Biblia, mabuti pa nga ang kamatayan doon kaysa doon sa kaarawan na iyon. Sa Eclesiates 7:1 –

Bro. Daniel Razon:

Eclesiastes 7:1

Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.”

Bro. Eli Soriano:

Ang kaarawan ng kamatayan, mas mabuti pa kaysa sa kaarawan ng kapanganakan sa laman. Kaya nga ang Cristiano ay ipinanganganak na muli sa pamamagitan ng bautismo. Ang sabi ni Cristo, “Kailangang kayo’y maipanganak na muli.” Iyon ang aming ipinagdiriwang: ang kapanganakan sa espiritu.